♥ the gift ♥

Araw-araw ay mahal kita,

lalong minamahal at mas mamahalin pa.

Natutuwa akong isipin na narating natin yung

ganito katagal, Magkahawak pa rin ang kamay at masayang magkaagapay.

 

Hindi lang pala ikaw yung kaklase

  kong payat at pinakamatangkad noon sa highschool,

Hindi lang pala kita isang beses lang makakasabay

sa biyahe ng buhay.

Ang akala ko noon, tagabura ng blackboard at tagatapon lang kita ng basura. Yun pala, Sa iyo iikot ang mundong aking ginagalawan…

dahil hindi ko gugustuhing mabuhay sa mundong ito kung wala ka.

 

Naging napakasaya ng 8 valentine’s day,

8 birtdays ko, 8 christmas at 8 new year..

laging tinutupad ni papa jesus ang wish ko sa lahat ng

mahahalagang okasyong ito.

 

… dahil

IKAW ANG PINAKAMAGANDANG

REGALONG NATATANGGAP KO

sa tuwina.

 

Mahal na mahal kita…

maligayang walong taon ng walang ‘sing-sayang pagsasama. Muwah!

 

 

Published in: on December 17, 2008 at 12:50 am Comments (1)

Mariposa

* alam na alam mong takot akong mag-isa. kaya maraming maraming salamat at nagbalik ka. *

Published in: on September 23, 2008 at 7:30 am Comments (2)

TELEPONO

Nagulat ako nang makatanggap ng isang tawag sa telepono kahapon, Nakangiti kong sinabi ang katagang “hello” para lang pala pagkatapos ay iiyak naman ako sa mga maririnig kong salita galing sa taong nasa kabilang linya.

 

Matapos kong marinig ang huli niyang sinabi naputol na ang linya nang hindi man lang ako nakahuma. Hindi ako nakahirit, naiwan akong tulala at hindi makapagsalita. Halu-halong emosyon ang nadarama ko nung mga oras na iyon kaya kahit nga alam kong wala na akong kausap sa kabilang linya, hawak ko parin yung awdibito. Hindi ko alam kung bakit hindi ko iyon maibaba, kasabay ng kung paanong yung mga luha ko ay hindi rin papaawat sa pagpatak.

 

Korni, baduy, patawa,cheesy, name it, alam kong ganun yung mga sinabi niya. Simpleng mga salita lang din naman yung mga ginamit at hindi ko na kailangan pang halughugin ang dictionary para malaman yung mga kahulugan nila, tapos kinumpara pa ako sa mga kung anik-anik na gamit niya. Pero lahat ng iyon naramdaman ko. Bawat salitang sinabi niya naintindihan ko, bawat emosyong nakapaloob dun tumatagos sa bawat himaymay ng pusong ito. Malinaw na malinaw. Walang sobra at walang kulang.

 

Alam kong ang hangarin niya ay mapatawa ako, pero mas namutawi ang isang damdamin na tuluyang nagpaiyak sa akin. Ang buong akala ko kasi, matapos ang sunud-sunod na pagtatalong naganap saming dalawa, dun na matatapos iyon. Akala ko hindi na maayos ang lahat.

 

Salamat. Kase pinatunayan mong mali ang lahat ng iniisip ko.

Salamat. Dahil patuloy mong iniintindi ang mga kahinaan ko bilang tao.

Salamat. Nasurpresa talaga ako at napaligaya mo ng husto.

 

 

Mahal kita, kalakip ang pangakong hindi na ako muling bibitaw.

 

 

Published in: on at 3:31 am Comments (4)

muli’t muli ay ikaw…

“Sa lahat ng aking ginagawa,

  Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta,
Sana’y di na tayo magkahiwalay, kahit kailan pa man…”

                                   – silent sanctuary

-            

…sa siyamnapu’t dalawang buwan nating pagkaka-íbigán,

   walang sandaling nawaglit ka sa isipan ko.  

 

…sa siyamnapu’t dalawang buwan nating pagkaka-íbigán,

    araw araw mong kinukumpleto ang buhay na meron ako.

 

…sa siyamnapu’t dalawang buwan nating pagkaka-íbigán,

    mahal kita mula noong unang araw na sinabi ko iyon sa iyo,

    at mamahalin kita hanggang sa huling araw ko dito sa mundo.

   

 *maligayang siyamnapu’t dalawang buwang anibersaryo sa ating dalawa,

      dahil sa iyo dadypie, natagpuan ko na ang tunay na ligaya*

 

“Ikaw lamang ang aking minamahal…

  Ikaw lamang ang tangi kong inaasam,

Makapiling ka habang buhay, ikaw lamang sinta.  

Wala na kong hihingin pa…wala na…”

                                                                                                    - silent sanctuary

Published in: on August 15, 2008 at 3:43 am Comments (2)

Ikaw Pala

N obody has ever made me feel like this

O ffering me with so much bliss.

R evering my days with his tender kiss,

M elting my heart with just one touch

A nd captivating my soul so much.

N ever ending love is what I see in his eyes.

 

S oothing words he always gives

E verytime I feel the world is a make believe.

R eminiscing all the days with him by my side,

A morous is the term that will really describe

F or in ‘jojo’ I found the love of my life,

I   will never let each moment strife.

C razy it may seem… but I will

A lways love him with every fiber of my being.

 

* salamat sa lahat ng mga bagay na ginawa mo para pasayahin ako. Alam kong hindi ako magaling sa pagpapakita ng nararamdaman ko para sa iyo, pero hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa tuwing gigising ako na ikaw yung una kong nakikita…at kung paano hindi ako makatulog sa gabi kung hindi ikaw ang katabi ko.

nakakawala ng pagod sa tuwing makikita kitang ngumingiti..

gaano man kahaba ang araw..sa yakap at sa yakap mo parin ako uuwi.

tulad ng lagi kong sinasabi sa iyo.."you are my haven in this hectic world!"

labs you dadypie buong buhay! mwuahyakap!

 

 

Published in: on August 7, 2008 at 6:02 am Comments (2)