Hmmm..siguro nga ms. friendship talaga ko sa totoong buhay, dahil kahit hindi naman ako palabati o palangiti sa mga taong nakakasalubong ko, (mahiyain kasi ako) mabilis akong magkaroon ng kaibigan,. at kapag sinabi kong kaibigan ko na ang isang tao, kasama na siya sa buong sistema ko.
Ako yung tipo ng kaibigang kasama sa saya at maasahang kaagapay sa lahat ng problema. Hindi man ako kunsintidor sa mga kapritso ng kaibigan ko, kakampi at ipagtatanggol ko naman siya sa lahat ng kaaway niya.
Kaya nga ngayong malapit ng sumapit ang kapaskuhan, nasasabik na akong makitang muli ang mga kaibigan ko. Alam kong mapupuno na naman ang puso ko ng galak galing sa malalakas na halakhalakan, walang sawang kwentuhan/kamustahan at higit sa lahat yakap at halik ng mga mapagmahal kong kaibigan. aysomissyouguys. xoxo
** lubos akong nagpapasalamat kay pareng vhonne para sa pagbibigay sa akin ng karangalang ito. salamat talaga.
at kailangan ko din yata itong ipasa..kaya’t ibibigay ko siya kina: emmjaye at gracie .