Malutong kang humalakhak sa pagsamba sa gubat,
Na pinagkukublihan ng isang batis sa pagliyag tumatayog.
Maglaho sa lihim at samyo ng bulaklak,
At sa iyong pagbabalik mapuspos ka ng galak.
Habang nakasakay ako sa LRT at naghihintay para bumaba sa bambang station, nabasa ko itong nakadikit sa isa sa mga dingding ng tren,. Malaking tulong talaga, dahil napawi niya ang aking pag-aalala, pagkainip at pagkayamot. parang gusto ko na tuloy libutin ang buong tren at basahin lahat ng mga nakadikit na "berso sa metro" ng dahil dito. " kaya lang alam kong hindi yun madaling gawin at isa pa…"approaching bambang station…" iyan na ang paulit-ulit kong naririnig..kailangan ko ng bumaba…at sana nga sa aking pagbabalik, pagharian ako ng tuwa.
♥☺♥
Nagpapasalamat ako sa lahat ng taong tumulong upang mas madaling gumaling ang aking papa na isang linggo din nanatili sa Metropolitan Medical Center. Galing! Sa mga sobrang babait na Nurses, nakakatuwang student nurses, accommodating staff (Ms. thea at ms. richelle) at syempre kay Dra. Sia na siyang cardiologist niya, pati na rin sa super cool na si Dr. Cheng ng E.R. Thank you thank you talaga. Worth it yung ibabayad sa serbisyong ibinibigay ninyo. mahal ko na kayo!
Hmmm.. yung cutie na admitting officer dun (hahaha!) salamat sa tulong, pinadali mo ang mga bagay bagay para sa akin.
Gusto ko na sanang kalimutan, pero sige..salamat din sa health insurance ni papa (hindi ko na babanggitin kung ano) kahit maraming pagpapasakit ng ulo ang naransanan namin dahil sa inyo. salamat na din.
♥☺♥
Kung ako lang ang masusunod
Aakuhin ko ang iyong pagod
‘Di ka na muling luluha
Lahat ng ‘yong dinaldala, akin na…
Pangalawang atake mo na ito pa, sana naman hindi na masundan pa. Alam kong mahirap kase mas marami na ang mga bawal na pagkain, bawal gawin, at bawal sabihin (hehehe!) pero isipin mo nalang, gusto ka pa namin makasama ng mas matagal..saka hindi mo pa nga nakikita yung apo mo sa akin weh.